Nagbabagang balita.

Pinost ko to sa facebook. Tapos nagpm sakin yung isang friend ko. Kung totoo ba daw to. Sabi ko hindi. Nagsorry na din ako kasi mukhang concern sya. Okay lang daw, nothing to be sorry, just be responsible in using social media lang daw.

Echos. Napagsabihan pa tuloy ako. Haha.

(Source: staircase-wit)

Bakit ganito?

Dadalawin ko lang tong tumblr kapag malungkot ako. 

Nitong mga nakaraang linggo, masaya ako. Sa sobrang saya ko tinatamad ako dalawin itong tumblr. Bubuksan ko man, wala akong maipost. Samantalang nung mga panahong nag-iisa ako, si tumblr ang tinatakbuhan ko. Kung anu-anong nilalabas kong emosyon. Tumblr, pasensya ka na kung iniiwan kita kapag masaya ako. Parang sa tunay na magkaibigan lang eh noh? Tatakbo sayo kapag may kailangan. Sorry. Sana maintindihan mo ako.

(Source: staircase-wit)


Bestfriend kong gay. Choss. Di sya bading. Haha.

(Source: staircase-wit)

Wala ka namang lugar eh.

Alam mo yun? Yung pakiramdam na di mo alam kung saan ka nakatayo at kung saan ka dapat pumunta. Bawat kilos mo limitado. Bawal ang ganito, bawal ang ganyan. Dahil nga sa lintek na rasong wala kang karapatan.

(Source: staircase-wit)

WALA AKONG MAIPOST. BULLSHIT.

(Source: staircase-wit)

Kulang ang araw pag wala ka.

Bwisit. Kulang talaga! Miski tawag di magawa. Miski isang text wala. Miski sa facebook hindi online. Di ako makatulog hanggat may kulang! Nakakabwisit!

(Source: staircase-wit)

Minsan mas malandi pa si lalaki kaysa kay babae.

(Source: staircase-wit)

Yung feeling na niloloko ka pero alam mong niloloko ka. Yung tipong sinasakyan mo lang sya sa katangahan nya. Akala nya ikaw ang nahulog sa butas yun pala sya ang nahuli sa sarili nyang patibong.

(Source: staircase-wit)

Set of friends
  1. Bittersweet (bestfriends ko)
  2. CAJOs (blockmates)
  3. Hotdogs (blockmates yung super close)
  4. Teammates sa basketball
  5. Frontrow Team
  6. Highschool friends (di na masyado)
  7. Iba pang college friends
  8. Childhood friends
  9. Facebook friends
  10. At syempre Tumblr friends

Corny yung iba may group names pa! Uso yan dati eh hahahaha.

Ang dami ko pa lang friends. Di man ako sigurado kung ilan sa kanila ang tunay, well at least masaya ako sa kanila. Sapat na yun na dahilan para maging kaibigan ko sila. Kung may traydor at peke man sa kanila, problema na nila yun. Edi alis sa listahan. Haha.

(Source: staircase-wit)


Theme Urban, by Max davis.